Text Widget

Saturday, May 24, 2014

PBB ALL IN House Online: Maging Online Big Winner at manalo ng P100,000!


Ito na nga ang sinasabi nilang ALL IN surprises at twists sa Pinoy Big Brother Season 5. Nagbukas na nga ang isa pang Bahay ni Kuya kung saan maaari kang maging 'Online Big Winner' at manalo ng P100,000 - ang ONLINE BAHAY NI KUYA!

Kailangan mong magregister sa facebook app na matatagpuan sa official facebook page ng Pinoy Big Brother. Pagkatapos magregister ay bibigyan ka ni Kuya ng online tasks na dapat niyong gawin sa nakatakdang oras. Ang balita ko ay dapat mong gawin ang tatlong tasks kada araw at may corresponding points ang bawat task. Maraming maaaring ipagawa si Online Big Brother sa lahat ng online housemates, gaya nalang ng sumagot ng tanong, magpost ng photo or video at iba pa. Napapabalitang may chance ang ilang mga online housemates na maging bahagi at maimbitahan sa main PBB house. Exciting!

Maging bahagi ng pinakamalaki at pinasakit na reality show sa buong bansa. Para sa mga house rules at full mechanics, punta lang sa link na ito - PBB House Online Mechanics.

Wait, there's more! Hindi pa nagtatapos sa mga online housemates ang ALL IN surprises at twists ni Kuya! Upang maging updated, subaybayin lagi ang Pinoy Big Brother ALL IN!

No comments:

Post a Comment